LDR

Isang araw, si Julieta Kabanata ay nakatanggap ng liham mula sa kanyang nobyong dayuhan na naninirahan sa Inglatera. Ganito ang nakasaad sa sulat:

Ika-2 ng Nobyembre, 2014

Mahal kong Huling,

Sorpresa! Natuto akong magsalita ng Filipino ayon sa pangako ko sa ‘yo! Hindi ka makapaniwala, ano? Kasi tatlong buwan pa lang tayong magkakilala at alam mong hindi ako magaling sa ┬álenggwahe (Muh-hal kee-tuh!). Pero nagawa ko, OO, alang-alang sa pag-ibig ko sa ‘yo… Mahal kita, tsup-tsup.

DYOK LAANG. Pinasalin ko ito sa kaopisina kong Pinay. Sabi ko, gamitan n’ya ng matatalinhagang salita, at para mas kamangha-mangha ay haluan n’ya ng diyalekto. O ‘DI BA? ‘DI BA?? AKO ANG PINAKADAKILANG NOBYO SA BUONG MUNDO??! ­čśŤ

Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagsapit sa ‘yo ng liham kong ito. Alam kong bihira na lang ang nagpapadala ng liham sa panahon ng internet, pero ginawa ko pa rin dahil matamis ako at matamis ang pagmamahal ko sa ‘yo. Ikaw kasi ay pulot na napakatamis at napakasarap para sa aking panlasa, kaya’t ibinabalik ko lang ang pabor. ­čÖé

Pagpasensyahan mo na ang aking mapaglarong kagaguhan. Alam kong lihim kang napapangiti┬ása aking pagbabata-bataan. Nawa’y masimulan mo nang asikasuhin ang iyong visa para tayo’y tuluyan nang makapagniig. ­čśë

O s’ya, hanggang dito na laang. Maraming salamat sa iyong inilaang panahon para basahin ang aking liham. Huwag kalilimutan: ikaw ang aking D’yosa at inspirasyon! Ikaw ang aking dahilan para mabuhay. Ahhhhhhhhhh diabetes! Hehe.

P.S. Hanggang mamayang gabi sa muling pagkikita natin sa Skype. Nawa’y makisama ang iyong internet.

Buong pusong nagmamahal,

Shane

Kumutitap ang mga mata ni Julieta at s’ya’y napatingin sa durungawan.┬áHaay, minsan talaga’y hindi n’ya alam kung paano tatapatan┬áang mga hirit ni Shane┬á– ang Shane Malik┬áng kanyang buhay…

“Okay, humanda ka. Padadalhan kita ng telegrama! Mwahahahaha!” Umalingawngaw ang malutong na halakhak sa kanyang isipan.

Advertisements

Mang Inasal

Habang nakapangalumbabang hinihintay ang aking pork barbecue (“Waiting for 14 minutes po?””Okay.”) sa isang mesa sa Mang Inasal Philcoa, wala akong ibang magawa kundi masdan ang mga tindang blusa sa tyangge sa harap. Maluluwag ‘yung mga blusa, iba-ibang kulay, iba-ibang disenyo. Naisip ko, anlakas maka-#TitasofManila nito haha. At bigla kong na-realize – Oh my God, puwede na akong magsuot ng ganitong damit! Isa na akong Tita! (Dati, madalas akong matawag na “Tita” sa kalsada ng mga ‘di ko kaanu-ano.) Isa na akong… matanda. Ang landas┬áko ay patungo na sa takipsilim ng aking buhay. Mamamatay akong walang nakakaalam, sa isang maliit at masukal na tirahan, nakasuot ng blusang kupas.

Sa edad na 31, heto ako, alas-syete ng gabi, katatapos lang ng ulan, naghihintay ng fast food barbecue para sa aking hapunan. Isang kabalintunaan ang katotohanan sa ‘Pinas na, madalas, hindi kamurahan ang fast food. Pero pakiramdam ko, aping-api ako sa hapunan kong barbecue, kanin, at Coke. Pakiramdam ko, tanda ito ng kabiguan. Dapat naghahapunan ako sa isang maayos na tahanan, kung saan masaya, mainit ang pagtanggap, maliwanag, maganda ang mantel sa hapag-kainan; kung saan ako’y naghihintay ng paghahain ng sariwa, masustansya, at kaluluto lang na pagkain.

At mula rito ay na-realize ko ang maraming problema ng mundo. Nakita ko ang mga nagtitinda ng blusa – magkano lang kaya ang kinikita nila sa maghapong pag-aalok ng mga blusa sa mga dumadaan? Ilang fast food meals kaya ang puwede nilang ma-afford, gustuhin man nilang kumain sa fast food? Nakakalungkot na kahit ang fast food ay parang luxury restaurant na ang dating┬ása mga tunay┬ána nagdarahop. Naisip ko kung ilang milyong Pilipino ang nabubuhay sa kakarampot na kinikita, habang may iilang nakatira sa Forbes Park, sa Corinthian Gardens, patuloy na yumayaman sa corporate world. Naisip ko ang malaking kawalan ng hustisya sa mundong ito, na pare-parehong tao pero marami ang hindi man lang makalalasap mabuhay ng ayon sa kanilang gusto, dahil kahit ‘yung mga pangunahing pangangailangan sa buhay ay hindi pa nila agad-agad maitawid.

Tuluyan na akong lumubog sa kalungkutan. Dumating ang pork barbecue – malinamnam, pero parang mas na-precook kaysa naihaw. Nagpantasya akong suot ang isa sa mga blusa sa labas – maluwag, manipis – at nakita ko ang sarili kong fresh, kahali-halina, may ngiti ng kamusmusan.