LDR

Isang araw, si Julieta Kabanata ay nakatanggap ng liham mula sa kanyang nobyong dayuhan na naninirahan sa Inglatera. Ganito ang nakasaad sa sulat:

Ika-2 ng Nobyembre, 2014

Mahal kong Huling,

Sorpresa! Natuto akong magsalita ng Filipino ayon sa pangako ko sa ‘yo! Hindi ka makapaniwala, ano? Kasi tatlong buwan pa lang tayong magkakilala at alam mong hindi ako magaling sa  lenggwahe (Muh-hal kee-tuh!). Pero nagawa ko, OO, alang-alang sa pag-ibig ko sa ‘yo… Mahal kita, tsup-tsup.

DYOK LAANG. Pinasalin ko ito sa kaopisina kong Pinay. Sabi ko, gamitan n’ya ng matatalinhagang salita, at para mas kamangha-mangha ay haluan n’ya ng diyalekto. O ‘DI BA? ‘DI BA?? AKO ANG PINAKADAKILANG NOBYO SA BUONG MUNDO??! 😛

Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagsapit sa ‘yo ng liham kong ito. Alam kong bihira na lang ang nagpapadala ng liham sa panahon ng internet, pero ginawa ko pa rin dahil matamis ako at matamis ang pagmamahal ko sa ‘yo. Ikaw kasi ay pulot na napakatamis at napakasarap para sa aking panlasa, kaya’t ibinabalik ko lang ang pabor. 🙂

Pagpasensyahan mo na ang aking mapaglarong kagaguhan. Alam kong lihim kang napapangiti sa aking pagbabata-bataan. Nawa’y masimulan mo nang asikasuhin ang iyong visa para tayo’y tuluyan nang makapagniig. 😉

O s’ya, hanggang dito na laang. Maraming salamat sa iyong inilaang panahon para basahin ang aking liham. Huwag kalilimutan: ikaw ang aking D’yosa at inspirasyon! Ikaw ang aking dahilan para mabuhay. Ahhhhhhhhhh diabetes! Hehe.

P.S. Hanggang mamayang gabi sa muling pagkikita natin sa Skype. Nawa’y makisama ang iyong internet.

Buong pusong nagmamahal,

Shane

Kumutitap ang mga mata ni Julieta at s’ya’y napatingin sa durungawan. Haay, minsan talaga’y hindi n’ya alam kung paano tatapatan ang mga hirit ni Shane – ang Shane Malik ng kanyang buhay…

“Okay, humanda ka. Padadalhan kita ng telegrama! Mwahahahaha!” Umalingawngaw ang malutong na halakhak sa kanyang isipan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s